-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY- Inihayag ni Senador Robin Padilla na handa siyang tumakbong bise presidente sa ilalim ni Vice President Sara Duterte sa 2028 kung personal siyang hihilingin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Padilla, si Duterte lamang ang maaari umanong mag-utos sa kanya dahil hindi niya nais ang pulitika, ngunit susunod siya kung ito ang kagustuhan ng dating pangulo. Aniya, handa siya sa anumang posisyon at inilarawan ang tungkulin ng bise presidente bilang nakatuon sa advocacy.

Nauna nang inanunsyo ni Sara Duterte ang balak na pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028, sa gitna ng mga impeachment complaint na kinahaharap niya sa Kamara.

Nilinaw din ni Padilla na personal lamang niyang pananaw ang naunang mungkahing tambalang Duterte–Imee Marcos, at hindi opisyal na posisyon ng kanyang partido. Gayunman, sinabi niyang susuportahan niya si Duterte sa anumang papel, maging bilang campaign manager kung hindi man mapiling running mate