-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY- Patay ang apat na katao matapos ang ginawang malawakang missile at drone attacks ng Russia sa Ukriane.

Ayon sa Ukrainian air force, na nagpakawala ang Russia ng hindi bababa sa 10 missiles at 149 na drones sa magdamag.

Kasamang nasawi sa insidente ang isang babae at anak nitong 10-anyos na lalaki sa bayan ng Bohodukhiv.

Nasugatan din sa insidente ang siyam na iba pa kung saan ang mga ito ay dinala na sa pagamutan.