BUTUAN CITY- US Sec of State Rubio bibisita sa Hungary kasunod ng suporta ni Trump kay Hungary leader Orban
LOOPS: MARCO RUBIO, TRUMP, VIKTOR ORBAN, PUTIN, EU, Prime Minister Robert Fico
Bibisita si US Secretary of State Marco Rubio sa Hungary at Slovakia sa susunod na linggo, ayon sa State Department, matapos suportahan ni President Donald Trump ang right-wing leader ng Hungary na si Viktor Orban bago ang halalan sa Abril.
Ayon sa State Department, makikipagpulong si Rubio sa mga pangunahing opisyal ng Hungary upang palakasin ang bilateral at rehiyonal na interes, kabilang ang US-Hungary energy partnership at suporta sa peace processes sa pandaigdigang antas.
Si Orban ay kilala sa malapit na relasyon kay Russian President Vladimir Putin at madalas tutol sa EU initiatives para suportahan ang Ukraine. Bagama’t sinuportahan siya ni Trump bilang “true friend, fighter, and WINNER,” humaharap si Orban sa matinding hamon para sa kanyang ikalimang termino sa Abril, ayon sa mga pag-aaral.
Kasabay nito, bibisita rin si Rubio sa Slovakia, na pinamumunuan ng Prime Minister Robert Fico, na nakahanap din ng pagkakatulad kay Trump. Si Rubio ang hahalili sa Vice President JD Vance sa representasyon ng US sa Munich Security Conference ngayong taon.












