-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY- Nakapagtala ng halos 2,000 kaso ng influenza-like Illness sa Maynila mula sa buwan ng Enero hanggang ngayong buwan batay sa daily reporting ng Water-borne, food-borne, and Leptospirosis Diseases sa lungsod.

Sa bagong inilabas na bilang, siyam ang mga bagong kaso.
Base rin sa tala ng lungsod, nadagdagan naman ng walo ang bagong kaso ng dengue at pitong bagong kaso ng Severe Acute Respiratory Infection (SARI).

Sa tala naman ng DOH, umakyat sa 8% ang kaso ng flu-like illnesses, kaya naman magsasagawa ng pagpapabakuna ngayong Linggo, ayon kay Health Secretary Edwin Mercado.

Ayon naman sa World Health Organization, ang influenza-like illness ay isang clinical syndrome, na may mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, at maaari ring sanhi ng ilang mga pathogens o mga mikrobyo tulad ng bacteria, fungi, at parasites.

Ayon sa DOH ang respiratory droplets na mula sa pag-ubo, paghatsing at malapitang contact mula sa mga kontaminadong lugar ay maaaring makapag-ambag sa pagkalat ng respiratory infections.

-- ADVERTISEMENT --

Malaking dahilan din ang malamig na panahon at ang pagsasama-sama ng mga tao sa panahon ng holiday season.

Ayon sa Department of Health (DOH) sisimulan na ngayong linggo ang pamamahagi ng mga bakuna laban sa trangkaso o influenza at na uunahin ang vulnerable sectors.