-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY-Sisikapin ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala na maganda ang simula ng kanyang Middle East swing sa Abu Dhabi Open, kung saan haharapin niya ang pamilyar na katunggaling na si Zeynep Sonmez ng Türkiye sa Round of 32 na nakatakda sa Lunes.

Hindi na bago kay Eala ang makakaharap na si Sonmez. Dalawang beses na silang nagkita sa singles competition noong kanilang ITF days at parehong nagtapos sa panalo para sa Filipina.

Una silang nagtagpo sa ITF France 22A noong Nobyembre 2023, sinundan ng muling paghaharap sa Eastbourne Open noong Hunyo 2024, kung saan muling nanaig si Eala.

Nagkaharap din ang dalawa bilang doubles opponents sa ITF Luxembourg noong Nobyembre 2023 at sa ITF Slovakia noong 2024, na lalong nagpapatibay sa kanilang pagiging pamilyar sa isa’t isa.

Bukod sa singles, sasabak din si Eala sa doubles event, kung saan makakatuwang niya ang kapwa Southeast Asian standout na si Janice Tjen.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanilang unang laban, makakaharap nila ang tambalang binubuo nina Leylah Fernandez ng Canada, na may dugong Pilipino, at Kristina Mladenovic ng France.

Naabot ni Eala ang rurok ng tagumpay sa isang makasaysayang homecoming sa Philippine Women’s Open, kung saan unang beses siyang nakipagkumpitensya sa Pilipinas.