BUTUAN CITY- Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga mambabatas na bigyang prioridad ang pagpasa ng batas na nag-aalis ng travel tax at pagbabawal sa political dynasties sa bansa.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro na dalawa lamang ito sa 21 priority bills na nais na maipasa ng mga mambabatas bago ang pag-adjourn ng Kongreso sa buwan ng Hunyo.
Isinagawa ng pangulo ang nasabing kautusan sa 3rd Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacañang.
Dagdag pa ni Castro na ang ilang mga bumabiyahe ay hindi lamang pumasyal at ang iba ay para magtrabaho.
Sa kasalukuyan kasi ay base sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na nagbabayad ang mga pasahero ng first class seat ng P2,700 sa travel tax habang P1,620 naman sa mga economy class na pasahero.












