-- ADVERTISEMENT --
BUTUAN CITY – Patuloy pang inalam ng mga lokal na pamahalaan sa bayan ng Bayabas, Surigao del Sur ang kabuu-ang danyos na posibleng hatid ng magnitude 6.1 na lindol na yumanig kaninang alas-6:13 ng umaga sa layng 66-kilometro sa hilagang bahagi ng naturang bayan.

Base sa earthquake bulletin no. 1 na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (PHIVOLCS), naitala ang lindol na tectonic in origin na may lalim na 77-kilometro kungsaan sa instrumental intensities, nakapagtala ng intensity 2 ang Surigao City sa lalawigan ng Surigao del Norte at Gingoog City sa Misamis Oriental.

As of alas-7:05, pitong mga aftershocks na ang naitala ng PHILVOCS kungsaan ang pinakamalakas ay kaninang alas-6:21 na umabot sa magnitude 5.3