BUTUAN CITY- Hiniling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na payagan ang apila sa court ruling na nagbabasura sa hiling ng indifinite adjourment ng pre-trial proceedings sa drug war case.
Sa 19-pahinang dokumento na may petsang Pebrero 2 na hiniling ng defense team ni Duterte na payagan ang Pre-Trial Chamber na nagbabasura sa hiling na evidentiary hearing.
Noong Enero kasi ay nakita ng chamber na may sapat na kakayahan ang dating pangulo para dumalo sa pre-trial proceedings laban sa kaniya at ibinasura ang indefinite adjournment.
Subalit iginigiit ng kampo ng dating pangulo na bigo ang Pre-Trial Chamber na tukuyin ang dahilan kung bakit malusog si Duterte para magtungo sa pagdinig.
Bigo rin aniya ang Pre-Trial Chamber sa pagkonsidera ng impact sa abilidad ng dating pangulo na dumalo sa pagdinig.












