-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY – Inasikaso na ang mga benipisyong matatanggap ng siyam na mga matataas na opisyal ng rebeldeng grupong New People’s Army o NPA matapos sumuko sa military 26th Infantry Brigade (IB) sa military camp sa bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Romeo Jimenea, commander ng 26th Infantry Brigade, Philippine Army, ang mga sumuko ay kinabibilangan ng mga political officers, squad at platoon leaders, medics at supply officer mula sa Communist Party of the Philippines-Southern Mindanao Regional Party Committee o SMRC na nag-operate sa Agusan del Sur at Compostela Valley provinces.

Kasama sa isinuko ang dalawang M16 rifles, dalawang M1 Garand Rifles, isang caliber.30 Carbine rifle, improvised M79 grenade launcher, tatlong .45 kalibre na pistola, improvised antipersonnel mine at granada.

Itinago muna ni Jimenea ang mga pangalan sa sumukong rebelde para sa kanilang seguridad.

Ayon pa kay Jimenea, nagdesisyon ang mga dating rebelde na sumuko matapos makumbinsa sa  E-CLIP ng gobyerno na magbigay ng financial at livelihood assistance sa kanilang bumalik sa pamahalaan. (Rolan Janea)

-- ADVERTISEMENT --