BUTUAN CITY – Magpapasa ng resolusyon si Kapitan Juby Ignacio Del Gado ng Barangay Golden Ribbon sa lungsod ng Butuan para sa tuluyang pag-terminate na sa kanilang suspendidong kagawad na nahuli sa anti-illegal drugs operation.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo kay Barangay Kapitan Juby Ignacio Del Gado, inihayag nitong masaya sila sa pagkakahuli sa suspendido pang si Karlan Louie Vallecer alias Louie, 48, may asawa at residente ng Purok Sari-sari ng kanilang barangay.
Ayon sa kapitan, kailangang ma-terminate ang nasabing kagawad dahil makasira sa imahe ng kanilang barangay ang hindi pa rin paghinto nito sa paggamit ng ilegal na druga matapos unang mahuli dahil sa kagaya ring kasalanan na sanhi ng kanyang pagkasuspinde.
Huling nahuli ang suspendidong kagawad dakong alas-10:30 nitong nakalipas na gabi kung saan nakuha mula sa kanyang posisyon ang anim na sachets ng suspected shabu.