-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY – Nasa kustodiya na ng Butuan City Police Station 2 ang isang AFP enlisted personnel at isang dalaga matapos mahuli sa isinagawang buy bust operation pasado kagabii sa Brgy. Ong Yiu nitong lungsod ng Butuan.

Nakilala ang mga nahuling sina Sherlyn Laruza Cubillas alyas Danica, 22-anyos, residente ng Purok 9 ng nasabing barangay at PFC Joy Casiñares, 44-anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Brgy. Holy Redeemer nitong lungsod.

Nakuha mula sa kanilang posisyon ang apat na sachets ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 11,800-piso, 500-pisong buy bust money, dalawang cell phones, isang kalibre 45 na pistola kasama ang pito mga bala at isang motorsiklo.

Inihanda na ang mga dokumentong kakalinganin para sa isasampa nilang kasong paglabag sa Sections 5 in relation to Sections 26 at 11 ng Article 2 ng RA 9165. (Beth Ruiz)