-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng pulisya sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur ang pananaksak-patay kay Sangguniang Bayan member Gerry Campos, isang radio broadcaster sa Caraga Region.

Naganap ang insidente kaninang alas-7:30 ng umaga sa tapat ng isang tindahan sa Brgy. Sta. Cruz sa nasabing bayan, kung saan lumabas sa paunang imbestigasyon na may isang lalaking lumapit sa biktima at humingi ito ng pera.

Posible umanong walang dalang pera si SB Campos noong oras na iyon at nang tumanggi siya, nagalit ang suspek, kumuha ng kutsilyo, at ito ang ginamit sa pananaksak sa kanya.

Nadakip na ng pulisya ang responsable sa krimen at inahahanda na ang kasong isasampa laban dito.