BUTUAN CITY- Ipinahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang suporta sa pagpasa ng anti-political dynasty law, na naglalayong pigilan ang pag-iipon ng kapangyarihan sa iilang indibidwal lamang.
Ginawa ang pahayag sa isang consultative meeting sa Pasig City ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, kasama si Sotto at ang grupong
Ani Sotto, ang laban nila ay laban sa paggamit ng puhunan ng bayan para manatili sa kapangyarihan. Ginagamit aniya ang makinarya ng pamahalaan para sa pangangampanya.
Para sa grupo, dapat ipatupad ang pagbabawal sa political dynasties hanggang ikaapat na antas ng kamag-anak, kabilang ang mga mag-pinsan dahil sa lapit ng ugnayan ng mga pamilyang Pilipino.












