-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY – Putol ang linya ng kuryente sa Butuan City matapos maranasan ang intensity IV na pagyanig dahil sa magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa bayan ng Manay, lalawigan ng Davao Oriental kaninang ala-9:44 ng umaga.

Sa kasagsagan ng lindol ay nasaksihan mismo ng Bombo Radyo Butuan reporters ang pagyanig sa Macapagal cable bridge kungsaan nahulog ang bullbs sa street light nito habang ang mga sasakyan na nasa tulay mismo, ay unti-unting bumaba upang maka-iwas sa posibleng hindhi magandang mangyari.

Habang ang lumang Magsaysay Bridge naman ay nakitaan ng crack matapos ang lindol kung kaya’t temporaryo itong isinara na ng City Transportation, Traffic and Management Department para sa lahat na uri ng sasakyan.

Nasilabasan din mula sa ospital ang mga pasyente kasama ang kanilang mga watchers at mga medical staff, pati na ang mga nasa loob ng paaralan,  mga malls at iba pang establisamiento.

Napag-alamang pinalabas na ang lahat ng mga empleyado at mga kostumer ng Gaisano at SM malls nitong lungsod sanhi sa sobrang traffic sa mga major thorouhfares habang isinara naman ngayon ang Robinson’s Place matapos na bumigay ang  pader sa likurang bahagi nito at pinalabas na ang lahat ng mga nasa loob.

-- ADVERTISEMENT --

Nilibot na ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department ang buong lungsod upang ma-assess at ma-evaluate ang mga posibleng danyos na hatid ng lindol.

Ini-utos na rin ni Butuan City Mayor Lawrence Lemuel Fortun ang suspensyon ng kalse ang trabaho sa buong lungsod habang patuloy na ina-assess ang posibleng danyos na hatid ng lindol.

Mula rito sa Bombo Radyo Butuan para sa Bombo Network News, ito si Bombo ___ and this is Bombo Radyo Philippines, the number 1 and the most trusted source of news and information, basta radyo…BOMBO!!!