-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY – Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga rescuers sa bayan ng Malimono, Surigao del Norte, ng mga ka-anak ng 9 na mga tripolante ng LCT Cebu Great Ocean barge na nananatili pang missing hanggang sa ngayon.   

Ito’y sa pagnanais na mabigyan na sila ng update sa status ng kanilang mga ka-anak na tatlong araw ng missing kasama ang ship captain na si Mario Palacio.

Photo: CTTO

Nanawagan na rin sila na imbestigahan kung bakit nagdeklara ng abandon ship ang kapitan lalo na’t iilan sa mga narekober na bangkay at mga na-rescue ay walang suot na life jacket.

Mas lumakas ang kanilang loob na magreklamo matapos inihayag ng mga sea farers na hindi basta-bastang lulubog ang barko lalo na kung malapit lang ito sa baybayin dahil naka-take shelter lamang ito sa kasagsagan ng bagyo.

Photo: CTTO

-- ADVERTISEMENT --