-- ADVERTISEMENT --
BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng mga tauhan ng Surigao City Police Office sa dalawang riding-in-tandem criminals na pumatay sa kapaitan ng Barangay Mapawa sa kasagsagan ng piyesta ng nasabing lungsod.
Kinilala ni PO2 Zabala ang biktimang si Felipe Palimo Achas, 49-anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Barangay Mapawa ng Surigao City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo lang sa labas ng bahay ng kanilang barangay secretary ang biktima nang ito’y pagbabarilin pasado alas-9:30 kaninang umaga.
Mabilis tumakas ang mga suspek patungong Barangay Capalayan sakay ng kulay pula na motorsiklo.