-- ADVERTISEMENT --
BUTUAN CITY- Napanatili ng bagyong Ada ang lakas nito habang ito ay palayo sa kalupaan at patungo sa karagatan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 275 kilometers per hour ng Northeast ng Virac, Catanduanes at may lakas na hangin na 65 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 80 kph.
Tinanggal na rin ng PAGASA ang mga nakataas na tropical wind signal dahil ito ay palayo na sa kalupaan.
Dagdag pa ng PAGASA na isang dahilan ng paghina ng bagyo ay dahil sa malakas na hangin dulot ng amihan.
Inaasahan na sa araw ng Martes ay tuluyan ng malulusaw ang bagyong ADA.
-- ADVERTISEMENT --












