-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY- Mariing kinondena ng Department of National Defense (DND) ang pahayag ng tagapagsalita ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na nagsabing may mga opisyal ng Pilipinas na maaaring humantong sa “pay the price” dahil umano sa pagpapakalat ng disinformation.

Ayon kay DND spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong, hindi magpapasindak ang DND at Armed Forces of the Philippines sa anumang banta ng China at patuloy nilang tututulan ang mga umano’y kasinungalingan at ilegal na gawain nito sa West Philippine Sea (WPS).

‘We shall continue to speak against their lies and malign actions when such are committed,’ ani Andolong.