-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY- Itinaas sa signal no. 1 ang ilang parte ng Bicol Region habang binabaybay ito ng Tropical Storm na si Ada ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Ayon sa State Weather Bureau, itaas ang Signal No. 1 sa ilang parte ng Luzon, kabilang Catanduanes, Hilagang-Silangang parte ng Camarines Sur na kinabibilangan ng mga bayan ng: Garchitorena, Lagonoy, Presentacion, Caramoan, San Jose, Siruma, at Tinambac. 

Batay sa datos na inilabas ng ahensya, namataan ang mata ng bagyo na may layong 205 kilometro sa Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes na may taglay na lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbuso naman na 80 kilometro kada oras. 

Habang inaasahan naman na magdadala din ang bagyo ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkidlat sa Isabela, Aurora, Quezon, Northern Samar at sa buong lalawigan ng Bicol. 

Samantala, ayon sa State Weather Bureau mananatiling bagyo si Ada habang papalapit ito sa Silangang bahagi ng karagatan ng Luzon, at magiging isang tropical depression ito pagsapit ng gabi ng Martes, Enero 20, bago tuloyang maging low pressure area sa Myerkules, Enero 21,dahil sa northeast monsoon. 

-- ADVERTISEMENT --