BUTUAN CITY- Apektado ang mga naninirahan ngayon sa Italya matapos ipinag-utos ang lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease(COVID-19). Sa naging panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Bombo International correspondent Edward Reyes na mula Tondo , Manila, at 11 na taon ng nagtratrabaho sa Milan, Italy, sinabi nitong nagkahawaan na ang mga tao at grabe na ang sitwasypon sa Northern part ng Italy.
Dagdag pa nito na may mga estblishamentong nagsara tulad ng gym, museum, club at ang mga lugar napinupuntahan ng mga tawo.
Itinaas na ang red-alert status sa lugar at pinagbawalan na ang mga taong lumabas at pumasok sa lugar.
Kasama sa naapektuhan ang pinagkikitaan nila sa Italy kasama na ang tulad niyang OFW . Karamihan sa kanila nasa loob lang ng kanilang tinutuluyan para makaiwas sa Covid19 .
Aniya mas-prefer nila ang precautionary measures at information drive mula sa Pilipinas dahil sa hindi nila ramdam ang ginagawa ng gobyerno para malaman ang kanikanilang mga sitwasyon.