-- ADVERTISEMENT --

 BUTUAN CITY – Blangko pa ang pamilya ng 14-anyos na binatilyo kung ano ang dahilan ng kanyang pagpapatiwakal sa loob ng comfort room ng kanilang tindahan kaninang madaling araw.

 

Base sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Butuan mula sa kanyang tiyuhin, nag-iwan ng suicide letter ang biktimang itinago lang sa pangalang Menmen, residente ng Purok 2, Brgy. Obrero nitong lungsod.

 

Laman nito ang kanyang paghingi ng tawad sa kanyang pamilya at ang kanya umanong pagka-trap at pagkatakot na hindi na idinetalye pa.

-- ADVERTISEMENT --

 

Dagdag pa dito ang mga magandang nagawa ng kanyang pamilya para sa kanya na hindi na umano niya masusuklian sabay hingi ng kanilang pag-unawa sa kanyang ginawa.

 

Nang tingnan ang kanyang mga social media posts, makikita ang kanyang mga malulungkot na posts kungsaan kasama na dito ang umano’y nais niyang pagtulog ng mahabang panahon. (Beth Ruiz)