-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY – Iginiit ni Chief Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na hintayin na lamang ang pormal na anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte o sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa pagkakaligtas kay Father Teresito “Chito” Suganob.

Ayon kay Dureza sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, pinost lang niya sa kaniyang social media account ang kaniyang natanggap na impormasyon kung saan na-rescue ng tropa ng gobyerno si Fr. Suganob kasama ang isa pang bihag.

Ngunit nilinaw ng opisyal na ang AFP ang may karapatan sa pormal na pagkumpirma nito.

Aniya, na-rescue si Suganob alas-11:00 kagabi malapit sa Bato Mosque.

Nabatid na napilitan ang Maute Group na abandonahin ang Bato Mosque sa Marawi City, isa sa tatlong strongholds ng kalaban na nabawi ng gobyerno sa nakalipas na mga araw, dahil sa pinaigting na operasyon ng militar sa nasabing lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Kung maaalala, Mayo 23 pa nang sapilitang tangayin ng Maute group sina Fr. Suganob, ang parish secretary nito, at nasa 10 parishioners.