-- ADVERTISEMENT --

BACOLOD CITY – Nagpaliwanag si Director Renato Solidum, Jr. ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang pagkilos ng Philippine fault zone (PFZ) ang siyang naging dahilan ng lindol sa Surigao City.

Ayon kay Solidum, sa interview ng Bombo Radyo, na dahil sa moverment sa PFZ at hindi ng Philippine trench kung kaya’t lumindol sa capital city ng Surigao del Norte na may 6.7 magnitude at tectonic in origin.

Samantala, ipinaliwag din ni Solidum na mas malaki at malawak ang mga lugar na magiging apektado kung tectonic earthquake kung ikukumpara sa volcanic earthquake na localized lamang ang makakaramdam nito.