-- ADVERTISEMENT --

BUTUAN CITY– Patay ang anim na katao at 20 ang sugatan matapos ang naganap na sunog sa isang shopping mall sa Karachi, Pakistan.

Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado sa Gul Plaza shopping mall kung saan umabot ng mahigit 10 oras para tuluyang makontrol ang nasbing sunog.

Sinabi ni South Deputy Inspector General Syed Asad Raza na ang nasabing mall ay kinabibilangan ng 1,200 na mga shops kung saan bumigay pa ang ilang bahagi ng gusali.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, na nagsimula ang apoy dahil sa pag-short circuit ng linya ng kuryente doon.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente habang nagpapagamot ang mga sugatang biktima.

-- ADVERTISEMENT --