BUTUAN CITY- Hindi bababa sa dalawang tao ang nasawi matapos ang pananalasa ng Tropical Storm Ada na nag-dulot ng malalakas na ulan, pagbaha, at landslide sa rehiyon ng Bicol.
Sa Matnog, Sorsogon, natabunan ng lupa at tipak ng bato ang dalawang indibidwal noong madaling araw ng Sabado. Inabot ng humigit-kumulang limang oras ang rescue operation bago mailabas ang mga labi ng mga biktima.
Sa Baras, Catanduanes, apektado ng makapal na putik at debris mula sa bundok ang daloy ng trapiko kung saan isinira ang ilang kalsada matapos tila malubog ang highway.
Iniulat rin na zero visibility rin ang Caramoan, Camarines Sur, dahil sa malalakas na ulan at pumasok ang tubig-baha sa mga paaralan at sementeryo.
Isinagawa ang pre-emptive evacuation sa Viga para sa mga residente sa high-risk areas. Naitala rin ang mga landslide sa ilang bahagi ng Camarines Sur.
Sa Daraga, Albay, pinilit magsara ang Salvacion, Inarado, at Budiao spillways dahil sa tumataas na baha, habang ang mga lumang lahar deposits ay nagdulot naman ng knee-high flooding na may halong buhangin at bato sa Guinobatan–Mayon Road.
Ayon sa Albay Provincial Social Welfare and Development Office (APSIMO), higit sa 11,000 katao na mula sa walong bayan ang lumikas.
Patuloy ang monitoring ng mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar.












